Napaansin mo ba na ang mga subjects mo sa paaralan ukol sa Relihiyon ay masyadong 'one-sided'o puro maganda lang ang sinasabi? Kung hindi ka mahilig manaliksik, MAGUGULAT KA SA MGA KASALANAN at MGA ITINAGONG LIHIM ng Simbahan at mga masamang epekto ng relihiyon na mababasa mo sa blog na ito.
Napansin mo din ba na KULANG ang mga itinuturo sa paaralan ukol sa SEKS at SEKSWALITI? Ito'y dahil matagaal ng pinipigilan ng simbahan ang HUMAN SEXUALITY EDUCATION (kasama sa RH BILL) na matagal ng itinataguyod ng UNESCO na maisali sa mga curriculum ng lahat ng paaralan.
Puwes, sa blog na ito mo malalaman ang mga pilit na pinipigilan ng Simbahan na ipaalam sa madla ukol sa Relihiyon at Seks --- ang BUONG KATOTOHANAN, walang labis, walang kulang.
Malamang na MAGULAT ka sa mga malalaman mo dito pero ito'y dahil matagal ng pinagkait sayo ng Simbahan ang mga FACTS ukol dito.
Sa maniwala ka at sa hindi, napakalaki ng maitutulong ng mga makatotohanang (factual) kaalaman na mga ito sa buhay mo at sa buhay nating lahat sa lipunan. Napakalaking bahagi ng ating buhay ay direkta o indirektang naiimpluwensyahan ng ating mga pinaniniwalaan ukol sa Relihiyon at Sekswaliti kung kaya nga mas maigi sa ating lahat na mabatid ang mga FACTS na ito at maiwaksi ang mga maling paniniwala.
Napakahalaga sa mga mambabasa na malaman ang mga pinagbasehan ng impormasyon sa alinmang akda, kaya narito ang PANGUNAHING REFERENCE na ginamit pagdating sa sekswaliti:
Napapaloob sa akda ng UNESCO ang mga makaagham na references na ginamit nila sa paglathala ng UNESCO's INTERNATIONAL GUIDELINES ON SEXUALITY EDUCATION. Kahit anong awtentikong siyentipikong dokumento ay magsasabi ng pareho lang ng mga isasaad sa blog na ito.Imbis na diktahan kita kung alin ang dapat paniwalaan, hahayaan kitang magpasya kung alin sa palagay mo ang dapat mong paniwalaan ukol sa Sekswaliti
- Ang AGHAM ba o Ang mga *Tradisyunal na Relihiyon?
*Ginamit ko ang terminong Tradisyunalna Relihiyon sapagkat may mga modernong relihiyon na umaakma sa mga SCIENTIFIC FACTS ...
Bago ka magpasya, dapat muna nating suriing mabuti at nang obhektibo ang RELIHIYON.
Bilang panimula narito ang ILAN lang sa mga hiningi ng tawad ng yumaong Pope John Paul II na pawang mga kahindik-hindik na krimen ng Simbahang Romano Katoliko sa sangkatauhan:

Ibubuod ko muna ang pinakamalimit na maling paniniwala ukol sa Sekswaliti
No comments:
Post a Comment